That is AI generated summarization, which can have errors. For context, at all times confer with the total article.
Mr. Senator, panahon nang baguhin ang kaisipan na ‘regular’ sa lalaki ang maging sunud-sunuran lang sa kanyang sexual ‘urge.’ Ano, wala kayong ipinagkaiba sa hayop? Ganyan ang palagi kong naririnig sa mga lalaking rapist.
Could urge akong batuhin ng tsinelas si Senator Robin Padilla. Di tulad niya, na “half-hour na mabaliw-baliw” sa urge niyang makipag-sex, ilang araw na ang urge ko na tsinelasin siya. Kadalasan naiisip ko sa batok siya tatamaan ng tsinelas. Nguni’t kung makakatulong, tawagin lang niya ako kapag could urge siya at itututok ko ang tsinelas sa ibang parte ng kanyang katawan. Kapag natamaan ang parte ng kanyang katawan na iniisip ko, malamang ay tapos na ang urge niya.
Ito ang mungkahi kong solusyon sa kanyang “problema” na hirap na hirap ang isang lalaking tulad niya kapag siya ay could “urge” makipag-sex, pero ayaw ng asawa. Ayoko kasing humantong sa marital rape ang urge ni Senator. Sure po, mga mahal na mambabasa, puwede pa rin kayong kasuhan ng rape kahit ng asawa po ninyo kung pilitin ninyong makipagtalik. Kaya huwag po ninyong isipin na binabastos ko si Senator. Di ako tulad ng mga macho na wala nang ginawa maliban sa punahin at pag-usapan ang maselang parte ng katawan ng mga babae. Nababanggit ko lang naman ang mga maselang parte ng Senador dahil handa kong gawin ang lahat, hanggang banatan nang gentle ang parte na ito, para sa ikabubuti ni Senator Robin.
Para sa mga hindi nakakaalam sa usaping ito, panoorin na lamang ang kalat na kalat na video o basahin na lamang ang report ng Rappler.
‘Kakaibang urge’
Tanong ni Padilla kay Lawyer Lorna Kapunan, na useful resource individual sa listening to ng kanyang committee: Kapag could “kakaibang urge” ang lalaki, at nandiyan ang asawa “to serve,” ano ang gagawin niya kung ayaw ng asawa? Sa sagot ni Lawyer Kapunan na mag-counseling, ang reaksiyon ni Padilla ay, “Matagal ’yon.” Agree ako na matagal ang counseling. Kaya para agad matapos ang urge, batuhan ng tsinelas ang dapat. I volunteer! I’ll prevent out of your urges, Senator!
Ngunit sang-ayon din ako kay Lawyer Kapunan na kailangang mag-counseling si Padilla. Useful resource individual si Lawyer Kapunan tungkol sa sexual harassment sa leisure trade. Kagulat-gulat na inilabas ni Senator Robin ang tungkol sa “urge” niya. Mukhang nababahala talaga ang Senador tungkol dito. Pero hindi abogado ang tamang propesyonal na tanungin tungkol dito; sikolohista ang kailangan. Mukhang URGEntly wanted ang counseling dahil inilalabas niya ang kanyang damdamin sa maling okasyon.
Serve me
Ayon pa kay Padilla, regular lang daw na pagsilbihan ng asawang babae ang asawang lalaki. Hindi niya alam na tinanggal na sa batas ang “obedience” ng spouse sa husband at ipinalit na ang “mutual respect.” Tila wala na siyang masabi nang malaman niya na dalawang dekada na ang nakalipas simula nang mapalitan ang batas.
Gawin nating easy para kay Senator Robin: Hindi na po “regular” na ang asawang babae ay pagsisilbihan ka at susunod na lang sa gusto mo. Para lang po ’yan sa mga ignoranteng tao na hindi nakakaintindi ng pantay na karapatan ng mga babae. Pantay ang karapatan ng bawat isa. Rape ang tawag kapag ang isang panig ay hindi sang-ayon. Frequent sense lang na hindi kapantay ang karapatan ng isa kung puwede siyang pilitin.
Ngunit ikaw, Senador Robin, ay nangako na pagsisilbihan ang mamamayang Pilipino. Pilipino po ako. Pagsilbihan mo ako, please? Baliw-baliw na ako sa urge na tsinelasin ka. Puwede? No? Paano ko malalaman na ayaw mo talaga? Baka naman pakipot ka lang. Gusto mong magsilbi, di ba? Kapag hindi ka kasi pumayag, baka mangaliwa ako at iboto na lang ang ibang tao.
Seryoso
Sige na nga, magiging seryoso na ako. Sabi rin ng marami, kailangang malalim kang mag-isip bago mo maintindihan ang tinatawag sa Ingles na “satire” o ’yung pabirong panunuya. Kaya diretsong usapan na.
Senator Robin, lahat tayo ay could urges. Pero hindi tayo hayop. Ang pagkakaiba natin sa hayop ay mayroon tayong kapasidad na pangibabawan ang ating urges para sa ikabubuti ng mga mahal sa buhay, pamilya, lipunan. Urge po ng sinuman na magtago kapag nalagay sa peligro, ngunit pinangingibabawan ng bawat sundalo ang takot upang ipagtanggol ang bayan. Urge po ng tao na kumain kapag gutom, ngunit ilan na pong magulang ang pinapangibabawan ang sariling gutom upang makakain din ang kanilang anak? Ilang magulang ang pangingibabawan ang sariling pangangailangan upang maisampa ang pangangailangan ng mga anak? Hindi po ba tinatawag na mapang-abuso ang mga magulang na inuuna ang sarili? Sa larangang seksuwal, ganun din. Nang-aabuso ka kung sariling kaganapan mo lang ang inaatupag mo.
So that you see, sir? Kung ayaw, ayaw. No is not any. Huwag kang mapilit. Kahit pumayag ’yan dahil sa pamimilit mo, di ibig sabihin ay gusto niya talaga.
Mr. Senator, kung gusto nino man na maging mabuting tao, panahon nang baguhin ang kaisipan na “regular” sa lalaki ang maging sunud-sunuran lang sa kanyang sexual “urge.” Ano, wala kayong ipinagkaiba sa hayop? Ganyan ang palagi kong naririnig sa mga lalaking rapist. At sana ay mawala na ang ganitong kaisipan. Lalaki kayo. Anong klaseng kahinaan ito na puwede na lang kayong mawala sa sarili na para na kayong asong ulol? Kung ganyang klaseng pagkalalaki ang ihaharap ninyo sa amin, di kayo dapat palabasin ng bahay para sa sarili ninyong kabutihan.
Ayan, nagalit na naman ako. Urge ko po talaga kayong tsinelasin dahil pautli-ulit na po kayong nagpapakita na wala kayong alam tungkol sa girls’s rights. Pero maayos po akong tao. Matatag sa lahat ng pagsubok. Kagalang-galang na parang senador. Kontrolado ko po ang aking sarili. Pangingibabawan ko ang aking urge at iaalok ko sa inyo na turuan kayo tungkol sa girls’s rights. Sinsero po ako. Anytime. – Rappler.com
Si Sylvia Estrada Claudio ay isang doktor ng medisina at doktor ng pilosopiya sa sikolohiya. Siya ay professor emerita ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.